Kahapon, pagdating ko ng opis, nag-iisa kong dinatnan yung officemate ko, mukhang me dinadalang mabigat. tinanong ko kung bakit:
“Terminate na ako, ngayon lang”
“Ha?, Bakit?
“Nagkasagutan kami ni boss, nainis, ayaw na raw nya sa akin”
“ganun lang?”
Ramdam kong devastated sya, It’s a surprise, di man lang sya binigyan ng taning. Pero alam nyu na, pareho silang local, parehong mataas ang pride.
Tinawagan kasi sya the day before, late na, tapos na ang duty nya, pinapunta sya sa site para lang palitan yung extension wire. Nainis sya dahil on the way sila ng nanay nya for doctor’s appointment tapos ganun lang, sa maliit na pinagagawa. nagkasagutan sa phone.
“I love my work, Ayoko naman na magtrabaho sa father ko, oo mas mataas ang sweldo pero mas gusto ko dito” yun ang sabi nya sa akin.
Nag-isip-isip ako: kung wala na sya sa opis, it’s going to be chaos, wala pa syang kapalit tapos ang gulo pa ng management. I text my boss:
“Good morning, Mohammed is fired? He is one of the few person I know that’s dedicated to his work.”
text back: “Actually he’s not fired, he resigned.
Me: “I just talked to him, he said he love his job. Can we fix it? Whatever your decision is, I respect, I’m only suggesting”.
After ten minutes, pinatawag sya sa opis. Five minutes, bumalik, smiling.
“I’m hired again”.
Si Mohammed.



