The King and I

by partofyou

    Halos isang taon na ngayon, ganito ring tag-lamig, pag-inabot ako sa pagmumunimuni (meditation) ko ng umaga, kelangan kong ilakad, itakbo o i eksersays, (hirap nung ispeling na yun).  Dinrop ako nung driver sa isang walking boulevard, about 5 am, mahamog at mausok(fog) ang umaga,then sabi nya, I’ll pick you up at about an hour (sa totoo, hindi nya sinabi yun, eto sabi nya: ana rija’a waddak ba’ad sa’a). so, nagsimula na akong maglakad, nag-iisa lang ako, walang ka-tao tao, malapad and cobblestone na lakaran, me mangilan-ngilang naka-park na sasakyan, then me mama akong nakasalubong, matangkad, matikas ang hakbang, me dalang timer para sa kanyang ehersisyo, lumampas sya, diretso ako ng lakad, nakahalukipkip ako sa loob ng jacket, kinailangan kong sipagan ang paglalakad para uminit ang pakiramdam ko, dahil nga sa sobrang ginaw, duon nakatutok ang atensyon ko. Pero sa likod ng isipan ko, me tatlong litratong naglalaro, at parang isa sa mga iyon ang naaninag kong mukha ng taong aking nakasalubung kani-kanina lang, TEKA! di nga!, sabay hinto at lingon, malayu-layo na sya, mga tatlumpung metro ang layo sa kin, bumwelta ako, gusto kong makatiyak, binilisan ko ang lakad ko, halos tumakbo na ako, pero di ako nagpahalata, me mangilan-ngilang tao ang lumalapit sa kanya, sumasabay at saka papasok na sa kotseng nakaparada, umabot yata ng mahigit isang kilometro, bago ko sya naabutan, nilingon nya ako, dalawang metro lang ang pagitan namin, malinaw, ang hari mismo ng Saudi Arabia, gusto ko syang batiin, pero hinayaan ko na lang, ngumiti na lang ako, sabay liko sa kanan at huminto, wow! sa sobrang excitement ko, nag-tatatalon ako, siya nga!

                                      king abdullah and queen elizabeth

King Abdullah of Saudi Arabia Visits with Queen Elizabeth II of the United Kingdom on October 30, 2007 – London, England

Advertisements