si yadiyadiya (updated)

by partofyou

”Kapag di ka nabaliw sa pagtanda mo….

…wala kang natutunan!”

Dr. El-Wakil

Dr. El-Wakil

photo archive taken 20 years ago. Autograph says:
To Roni the master of presentation
with thanks,

Dalawa na lang kaming naiwan sa opis. Inalok ko ng kape, gumawa ako ng turkish cofee, pero hindi yung usual na turkish, ginawa ko sya sa espresso machine. Pagkatapos, inabot ko na sa kanya, nasa isang maliit na kopita. Balik na ako sa kweba ko. Kinamamaya-an, pumasok sa kweba ko, isinoli yung kopita: ” ano ito? hindi ito turkish cofee! Toinks!

Asar ako, sya na nga iginawa ko, magtaray pa. After a while, ginutom na si ako, tiyempong nasa loob naman ng bathroom si tanda kaya dali-dali akong tumakas. After about 15 minutes, bumalik ako.  Sinita ako ni tanda, bakit daw ako lang ang kumain, bakit daw hindi ko sya inaya, nagugutom na rin daw sya. Toinks!

”O sige, anong gusto mo, ibibili kita?”

”Ayoko, gusto ko sabay tayo, gaano kalayo?”

”about 200 meters lang.”

”halika na.”

Lumabas na kami ng opis, nung malapit na kami sa food center:

”Akala ko ba sa Filipino Restaurant tayo?”

”E sarado na eh, 12:00 midnight na!”

Isa sa mga masterpiece ni Yady (hindi nga tunay na pangalan)

Dun na lang kami sa chicken cone, ayaw nya ng texas chicken due to his diabetes.

Habang naghihintay kami ng order, umupo na kami. Merong malaking world map poster sa tabi ng wall namin. Nagsimulang magturo ng kanyang travels worldwide, mula Kazakztan to China to Europe hanggang Jamaica.

Natapos ang dinner, nagpasalamat sa akin dahil masarap daw yung kinain nya.

Kinabukasan, nandidilat ang mata at ang sabi:

NILASON MO AKO!

Na-elbi-em si tanda.

Advertisements